Concept News Central
2 huli sa P200k ‘shabu’ sa Malolos buy-bust

Published
1 year agoon

Arestado ang isang pareha sa pagbebenta umano ng ilegal na droga nang nakumpiskahan sila ng nasa P200,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Malolos City, Bulacan, Martes ng umaga, Hunyo 8.
Ayon sa report ng Malolos City Police-Station Drug Enforcement Unit (SDEU), bandang 1:15 ng madaling-araw nang maaresto sina Jayson Aleman, residente ng Biñan, Laguna; at Eden Sto. Domingo, taga-Quezon City sa operasyon sa Barangay Atlag sa Malolos.
Sinabi ni PCMs. Jayson Salvador, team leader ng SDEU, na nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa umano’y pagbebenta nina Aleman at Sto. Domingo ng ilegal na droga sa lugar.
Nang makabili umano ang poseur buyer ng droga sa pareha ay kaagad na inaresto ng pulisya ang mga ito.
Pitong sachet ng hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 30 gramo at nagkakahalaga ng P200,000, ang nakumpiska umano sa mga suspek, gayundin ang isang cell phone, at marked money.
Nasa detention cell na ng Malolos City Police sina Aleman at Sto. Domingo, na kapwa kakasuhan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).
LIKE US ON FACEBOOK

‘Mobilize UK army’

HANDA NA PARA SA BBM INAUGURAL

Ilang kalsada sa Caloocan isasara

Banta ng ASF, bumaba na

War ends if Ukraine surrender — Kremlin

Finland, Sweden bag NATO membership

Djokovic, Murray eye Wimbledon third round

Salubungin ang ika-17 pangulo ng Phl

Kelly Day, may buwelta sa basher

Kylie Verzosa, nakakuha ng wedding proposal

Biden sends VP’s husband

BBM clears last obstacle at SC

Palace urges Senate: File raps vs agri smugglers

SEC orders closure of Rappler

Local groups reset WPS bid

Security forces secure Metro Manila

MM still under Alert Level 1

Marcos’ face-to-face SoNA mulled

Solo parents get more benefits
