Connect with us

Concept News Central

Andaya: Leni Robredo galawang pang-gobernador; di na tatakbo sa pagka-presidente?

Published

on

Ibinunyag ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na hindi na tatakbo sa pagkapangulo si Vice President Leni Robredo.
Sa programang ‘Wag Po ng One PH, ikinuwento ni Andaya na personal niyang nakausap si Robredo kaugnay sa plano nitong pagtakbo sa darating na halalan.

At hindi sa pagkapangulo ang nabanggit ni Robredo kundi ang plano niyang maging gobernador ng Camarines Sur.

Ayon sa dating kongresista, kitang-kita na diumano sa mga galawan ng bise presidente kung anong posisyon ang inaasinta nito.

“Pasensya na po mahal na mahal ko si Leni, gusto ko ring presidente siya pero kita niyo ang galaw niya mismo papunta siyang gobernador. Kahit magalit kayo sa akin suportahan niyo na lang siya,”  pahayag ni Andaya.

“Kasado na yung pagtakbo ni VP Leni Robredo bilang governor ng Camarines Sur.  Kung hindi siya tatakbong governor, bakit siya lumipat ng residency from Naga City,” paliwanag pa ng dating opisyal.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement