Concept News Central
Pahinante, patay sa karambola ng apat na truck

Published
1 year agoon

Isang lalaking pahinante ng truck ang patay matapos na maipit sa loob ng sasakyan na kanilang ibinibyahe nang masangkot ito sa isang karambola kasama ang tatlo pang truck sa Davao City noong Miyerkules ng hapon.
Sa ulat ni PCapt. Philip Dave Uddin ng Marilog Police Station, pasado alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Davao Bukidnon Highway sa Sitio Bugac, Barangay Suawan ng nasabing lungsod.
May kabilisan umano noon ang takbo ng truck na kinalululanan ng biktimang si Ryan Postrano Cabaniero, 29 anyos, truck helper at residente ng Barangay Toril sa nasabi ring lungsod kaya’t nang paparating na sa pakurbang daan sa lugar ito ay hindi agad namalayan ng kasamang driver ni Cabaniero na may mga nasa harapan pala nilang mga truck din dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa kanyang manibela.
Doon na bumangga ang truck sa kasunod na dump truck na bumangga din sa isa pang forward truck na bumangga din sa isa pang elf truck, sa lakas ng impact ay naipit sa loob ng passenger seat ang biktima na agaran niyang ikinasawi.
Mabilis namang nakaresponde sa lugar ang mga awtoridad gayundin ang mga rescuer na nagtulong -tulong upang makuha ang katawan ni Cabaniero sa loob ng nagkalasog-lasog ding truck.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon ng pulis ang mga driver ng mga truck na sangkot sa karambola habang nagsasagawa pa rin ng pagsisiyasat sa nasabing insidente at ang mapatunayang may pagkakasala sa nangyari ay papatawan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to properties.
LIKE US ON FACEBOOK

Southwest monsoon to bring rains in Luzon

Duterte wants Bongbong to pursue nuclear energy

13 countries join new trade bloc

TRAHEDYA SA DAGAT!

China province testing 100M for coronavirus every 2 days

Iran seeks revenge over colonel’s slay

UN accuses DRC militia of attacking peacekeepers

Covid-free Pacific nations easing border restrictions

Fresh floods hit South Africa

Isang pagpupugay sa mga atletang Pinoy

‘Our time,’ Robin tells Lacierda

Rodriguez accepts Li’l President post

Russia not winning through arms — Zelensky

Congress: Count follows sked

Weightlifting creates new heroine

Monkeypox not like Covid, cure at hand

AI shows way for smart banks

Mixed fuel prospects

BIR falls short of Q1 target
