Connect with us

Concept News Central

Mister, dedo sa BF ni misis

Published

on

Isang haligi ng tahanan na nahuli sa akto ang kanyang asawa at boyfriend nito sa loob mismo ng kanilang kwarto ang patay matapos na gilitan ng kalaguyo ng kanyang misis sa Davao City kamakailan.

Sa ulat ni PMaj. Jerome de Guzman na siyang commander chief ng Mandug Police Station, hapon noong ika-11 ng Mayo nang maganap ang insidente sa mismong silid ng biktimang si Derby Binarao, 45 anyos at ng kanyang asawang itinago sa pangalang Madel, habang kinilala naman ang suspek na si Esteban Adan, 47 anyos na pawang mga residente ng Sitio Libas, Mandug, Davao.

 

Hindi umano nagsabi ang biktima na uuwi ng ganong oras upang sorpresahin sana ang misis ngunit nang buksan niya ang pinto ng kanilang silid ay siya ang nagulat nang makitang may kasamang ibang lalaki ang kanyang maybahay.

Sa galit ay agad na kinuha ng biktima ang kanyang samurai at nang akmang itatarak na niya ito sa kalaguyo ng misis ay nagawa itong maagaw ng suspek saka ginilitan sa leeg ng biktima.

Matapos ang insidente ay itinapon ni Madel at Adan ang bangkay ng biktima sa ilog ng Sitio Libas kung saan ay halos isang linggo pa ang lumipas bago ito tuluyang nakitang palutang-lutang sa kabilang bahagi ng nasabing ilog.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad si Adan matapos na tugisin ito ng kanyang sariling konsensya at iginiit na self defense ang kanyang nagawa.

Nahaharap ngayon sa kasong murder si Adan habang ang kanyang kalaguyo ng misis ng biktima ay sinampahan naman ng kasong parricide dahil sa pangungutsaba nito sa kalaguyo sa ginawang pagpatay sa kanya mismong asawa.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement