Connect with us

Concept News Central

4 na nag-swimming sa Gubat sa Ciudad nagpositibo sa Covid-19 virus

Published

on

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City na nagpositibo ang apat na nag-swimming sa kontrobersiyal na Gubat sa Ciudad.

Ayon sa mga otoridad, 43 sa mga residente ang isinailalim sa antigen test. Tatlo sa mga nagpositibo ay asymptomatic.

Inilipat na sa quarantine facility ang isa sa mga COVID-19 positive, samantalang pinoproseso ang tatlong iba pa.

Base sa datos ng Caloocan Covid-19 Command Center, 287 residente na nagtungo sa resort, 123 ang nakontak na, samantalang pupuntahan na sa bahay ang iba pa matapos namang hindi sumasagot sa numerong kanilang ibinigay.

Iiendorso na sa Caloocan Police Station ang mga pangalan at address ng 164 pang indibidwal na hindi makontak.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement