Connect with us

Concept News Central

PATRULYA, PINATINDI

Published

on

Paiigtingin ng gobyerno ang pagpapatrulya sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailanman aalis ang mga barko ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi kahapon, Mayo 15, ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., chairman ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), na mas malaking grupo na ng mga barko ng bansa ang ipupuwesto sa lugar.

“We have long positioned our forces there, but we are intensifying it now with the help of the Philippine Navy, the Philippine Coast Guard or the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, and the Philippine National Police,” sinabi ni Esperon sa televised briefing.

Ayon kay Esperon, pinatindi rin ng ibang mga bansa—kabilang ang Vietnam, Malaysia, Taiwan, at China—ang pagpapatrulya sa WPS, na halos lahat ay inaangkin ng Beijing.
Sa ngayon, binabantayan ng Pilipinas ang siyam na isla, kabilang ang Pag-asa Island, ang sentro ng Kalayaan Island group.

“Even if we are combining the diplomatic actions, military action, informational, economic, legal or political, intelligence at financial, our military, the police, and the Coast Guard are always ready and are deployed there,” ani Esperon.

Sa marahil ay pinakamatapang na pahayag ni Pangulong Duterte sa usapin ng WPS nitong Biyernes, Mayo 14, nilinaw niyang bagamat hinding-hindi niya paaalisin ang dalawang barkong nakaposisyon sa Kalayaan Islands at Mischief Reef, wala raw siyang intensiyong makipag-away sa Beijing dahil malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China.

Sa ngayon, nagpapatrulya sa WPS ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang maritime group ng Philippine National Police (PNP), at ang Philippine Navy (PN) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement