Connect with us

Concept News Central

Ginang, nabagsakan ng puno, patay 

Published

on

Isang ginang ang patay matapos na aksidenteng bumagsak sa kanya ang malaking bahagi ng isang puno ng Acacia sa lalawigan ng Pangasinan kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Bugallon Police, pasado alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bakuran ng bahay ng biktimang si Mary Jane Bintuan,49 anyos, may asawa at residente ng Barangay Pantay sa bayan ng Bugallon.

Ayon sa salaysay ng mga kasama sa bahay ng biktima, may inaasikaso lamang umano noon ang biktima sa kanilang bakuran nang makaramdam sila ng malakas na pagyanig na noong una umano ay inakala pa nilang naglindol lamang.

Ngunit nang puntahan umano na nila ang biktima upang ipagbigay alam na tila lumindol nga ay laking gulat na lamang nila nang nakitang duguan na ang ulo nito at nabagsakan na pala ng natumbang puno ng Acacia.

Mabilis silang humingi ng saklolo sa mga awtoridad na agad din namang nasaklolohan ang biktima at isinugod sa pinaka malapit na pagamutan.

Ngunit hindi na rin pinalad pang mabuhay ang biktima at nasawi ilang oras matapos ang insidente dahil sa rin sa malaking pinsalang tinamo sa kanyang ulo at iba’t-ibang bahagi pa ng katawan.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement