Concept News Central
2 sa BIFF todas sa engkuwentro
Published
1 year agoon
By
Nonoy Lacson
ZAMBOANGA CITY – Napatay ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang ilang bala ng baril ang nakumpiska matapos ang 10-minutong bakbakan sa militar sa Datu Paglas, Maguindanao, Linggo ng umaga, Mayo 16.
Ayon kay Joint Task Force (JTF)-Central Commander Maj. Gen. Juvymax Uy, nagsasagawa sila ng military operation sa Barangay Mao sa Datu Paglas nang makaengkuwentro nila ang teroristang grupo bandang 6:00 ng umaga.
Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ng paksiyon ng BIFF, na pinamumunuan ni Mohiden Animbang, alyas “Karialan,” sa kagubatan ng Brgy. Mao.
Sinabi ni Maj. Gen. Uy na walang nasawi o nasugatan sa panig ng gobyerno, habang dalawa ang napatay sa panig ng BIFF.
Narekober ng militar ang bangkay ng dalawang hindi pa nakikilalang miyembro ng BIFF, isang bandolier na may dalawang magazines para sa M16 rifle na may 50 rounds ng 5.56mm ammunition, dalawang backpack na may mga lamang personal na gamit, isang sirang handguard ng M16 rifle, at mga pagkain.
“I directed more troops to reinforce the engaged units and establish blockade on the enemy withdrawal routes to ensure that no terrorist will escape from the pursuing forces,” ani Maj. Gen. Uy.
Simula Enero ngayong taon, mayroon nang 41 tauhan ng BIFF ang napatay, 48 ang sumuko, habang 56 high-powered firearms ang nakumpiska ng militar.
LIKE US ON FACEBOOK

Duterte wants Bongbong to pursue nuclear energy

13 countries join new trade bloc

TRAHEDYA SA DAGAT!

China province testing 100M for coronavirus every 2 days

Iran seeks revenge over colonel’s slay

UN accuses DRC militia of attacking peacekeepers

Covid-free Pacific nations easing border restrictions

Fresh floods hit South Africa

Isang pagpupugay sa mga atletang Pinoy

Women newscasters vow to fight veil

‘Our time,’ Robin tells Lacierda

Rodriguez accepts Li’l President post

Russia not winning through arms — Zelensky

Congress: Count follows sked

Weightlifting creates new heroine

Monkeypox not like Covid, cure at hand

AI shows way for smart banks

Mixed fuel prospects

BIR falls short of Q1 target
