Connect with us

Concept News Central

Role-playing games

Published

on

MAYROONG pagkakapareho ang nakapangingilabot na Mamasapano Oplan Exodus at ang pullout ng mga barko ng Pilipinas laban sa China, na nagresulta sa pagkawala sa atin ng Scarborough Shoal.

Ang dalawang operasyong ito, na nangyari sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, katuwang ang mga taong kanyang pinagkatiwalaan, ay parehong matindi ang kinahinatnan.

Sa Exodus, pinagkatiwalaan ni Aquino ang noon ay suspendidong Philippine National Police (PNP) Chief na si Alan Purisima, habang ang counterpart naman nitong dating senador na si Antonio Trillanes IV ang in-charge sa pag-alis ng mga barko ng Pilipinas sa Scarborough. Dapat ay gagawin ito kasabay ng China, pero hindi lumisan ang huli sa pinag-aagawang teritoryo hanggang ngayon, na tuluyan nang inangkin ng Beijing ang lugar.

Sa parehong misyon, nakipagpalitan ng text messages si Aquino kina Purisima at Trillanes para kumustahin ang kinahinatnan ng kapwa maselang misyon.

Ang dalawang insidenteng ito ay walang kaibahan sa tinatawag na online role-playing games (RPG), kung saan walang mga panuntunang kailangang sundin at ang magiging resulta ng misyon ay nakadepende lang sa hit and miss.

Dahil sa kalabuan ng pinupuntiryang resulta sa dalawang misyon na ito, hindi na nakagugulat na nabigo ang mga itinalagang head of operations. Mali kasi ang naging pagpapasya ng mga pinagkatiwalaan, at sa kaso ng Oplan Exodus, 44 na operatiba ng Special Action Force (SAF) pa ang nagbuwis ng kanilang mga buhay.

Ang nawaglit sa Pilipinas sa Scarborough ay ang isa sa mga pinakamamahal nating teritoryo. Naalala pa nga ni dating Senate President Juan Ponce Enrile kung paanong hindi raw ipinaalam kay Aquino ang tungkol sa pag-urong ng mga barko ng bansa sa lugar—na naging personal na pasya lang ni Trillanes.

Sa araw na iyon, umakto raw si Trillanes na admiral ng Philippine Navy at binalewala ang mga nakatataas sa kanya, parehong-pareho ng ginawa ni Purisima sa Mamasapano carnage.

Ayon kay Enrile, napag-alaman niya ang tungkol sa back channeling efforts ni Trillanes sa China at pinayuhan daw niya ang dating Pangulo na delikado at labag sa interes ng Pilipinas ang hakbanging ito.

“I told Aquino ‘Mr. President, these backdoor talks are dangerous to the interest of our country, they are not very wise’.

Whatever, statements made during those meetings can be used against us in the future and may be against our country’s interest,” sabi raw ni Enrile kay Aquino sa pulong nila, kasama si Trillanes at si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario Pero binalewala lang daw ni Aquino ang sinabi ni Enrile at buong tiwalang hinintay ang magiging resulta ng estratehiya ni Trillanes Sa payo ni Trillanes, pinaurong ni Aquino ang barko ng Philippine Navy at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa Panatag Shoal—pero hindi tumupad ang China sa napagkasunduang magkasabay na pullout, at nanatili sa lugar.

Simula noon, lubusan nang inangkin ng China ang Scarborough Shoal at mariing pinanindigang ito ay pagmamay-ari nila.

Sino ngayon ang responsable sa pagpapaubaya sa China ng ilang teritoryo ng Pilipinas?

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement