Connect with us

Concept News Central

P16M halaga ng karne ng peking duck nakumpiska sa Navotas

Published

on

Nakumpiska ang tinatayang P16 milyong halaga ng smuggled na  karne ng peking duck at black duck sa isang storage facility sa Navotas City, kamakailan.

Isinagawa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang operasyon noong 7 Mayo, 2021.

Nagbabala naman ang Navotas City Health Department laban sa mga sakit na maaaring makuha sa pagkain ng double dead na karne.

Matatandaang mahigit 40 namatay na baboy sa nasabing lungsod ang pinagkaguluhan ng mga residente ng Road 10, Brgy. NBBS matapos na maaksidente ang trak na may karga ng mga ng mga ito.

Bagamat hindi naman namatay sa sakit ang mga nasabing baboy ay maituturing itong mga double dead na kung saan ay hindi rin sumailalim sa pagsusuri kung ligtas bang katayin o kainin, ayon sa Navotas City Health Department.

 

 

 

 

 

 

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement