Connect with us

Nation

Pari, sinibak ng simbahan dahil sa pakikiapid

Avatar

Published

on

Isang pari sa Pampanga ang tinanggal pansamantala sa parokyang kanyang pinagsisilbihan dahil sa umano’y kaso ng pakikiapid.
 
Ayon kay Archbishop Florentino Lavarias ng Archdiocese ng San Fernando, Pampanga, habang isinasagawa pa nila ang imbestigasyon sa nasabing paratang, minabuting tanggalin muna ang nasabing pari sa simbahan na kanyang nasasakupan.
 
At dahil na rin sa sensitibo ang bintang, hindi na muna ito pinangalanan gayundin ang simbahan na kanyang hawak.
 
“The Roman Catholic Archdiocese of San Fernando reserves the right to take appropriate actions as a more thorough investigation progresses, after the receipt of a formal complaint from the concerned party,” ani Lavarias.
 
Halos isang lingo na ang nakalilipas nang kumalat sa social media ang video ng isang lalaking galit na galit na sumugod sa simbahan upang kumprontahin ang nasabing pari na sinasabing kabit ng kanyang asawa.
 
Kasama pa nito ang kanilang mga anak na galit na galit din sa pari at maging sa kanilang ina.
 
Bitbit din ng nasabing lalaki ang mga kagamitan ng kanyang misis na tila ibinibigay na niya ito sa pari.
 
Makikita rin sa video ang larawan ng pamilya ng lalaki na sinira umano ng pari dahil sa pakikiapid nito.
 
Humingi naman ng tawad ang pari sa video ngunit binalikan siya ng lalaki at sinabihang “thou shall not covet they neighbor’s wife”.
 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement