Connect with us

Concept News Central

Ibayong pag-iingat ang kailangan

Published

on

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga maresolba ang patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa kahit pa pinalalawig pa lalo ang mga istriktong quarantine protocols.

Kung matatandaan, inextend ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang Mayo 15 dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19 cases.

Hindi rin maikakaila na nahihirapan na ang pamahalaan kung paano pa babalansehin ang pagsawata ng virus sa tinaguriang NCR Plus bubble at ang pagbuhay ng ekonomiya ng bansa.
Hirap na hirap na rin kasi ang mga Pinoy kung paano pa makakahanap ng pagkakakitaan dahil limitado pa rin ang transportasyon at mga negosyong nagbubukas dahil sa ipinatutupad na MECQ sa NCR Plus bubble.

At kahit nagsisimula nang magdatingan ang mga COVID-19 vaccines sa bansa, nanganganib pa rin ang pagkalat ng virus dahil sa mga naglalabasang bagong variants ng COVID-19.

Nitong Miyerkules lang, inihayag ng Department of Health na ang karamihan sa mga naitalang COVID-19 cases sa NCR at Calabarzon ay dulot ng mga coronavirus variants na unang nadiskubre sa United Kingdom (B.1.1.7) at South Africa (B.1.351).

Pero paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa umano nadedetermina ng mga local health experts at ng World Health Organization kung mayroon nang community transmission ng mga ganitong variants at ang ibig sabihin umano nito ay maaaring hindi linked ang mga variants na ito.

Sa ngayon, nakapagtala na ang Pilipinas ng 1,075 na B.1.351 cases; 948 B.1.1.7 at 157 mula naman sa P.3 variant na unang na-detect sa Pilipinas, at dalawang kaso ng P.1 variant na nadiskubre sa Brazil.

Ayon kay Vergeire, ang Metro Manila ay may 602 B.1.351 variant cases, 358 B.1.1.7 cases, at 39 P.3 cases, habang ang Calabarzon ay may 121 cases ng B.1.351 variant, 145 B.1.1.7 cases at anim na P.3 cases.

Sinabi rin ng Health official na ang pagpili ng samples para sa genome sequencing ay limitado lamang sa clusters ng COVID-19 cases, mga taong may link sa ibang variant cases at mga bumabalik na overseas Filipinos.

“Hindi pa natin ma-ascertain kung talagang sila na ‘yung prevalent na variants dito at saka kung meron na tayong masasabi that we have this community transmission,” sabi ni Vergeire.

Kaya paalalang muli sa mga kababayan natin, ibayong pag-iingat ang kailangan dahil dumadami na ang mga nadidiskubreng mga bagong variants ng COVID-19.

Kailangang istriktong sundin ang pagsusuot ng masks, face shields at iba pang health and safety protocols na inilatag ng pamahalaan.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement