Connect with us

Concept News Central

‘Tulak’ tepok sa buy-bust

Avatar

Published

on

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos mauwi sa shootout ang buy-bust operation laban sa kanya sa Malabon City, Lunes ng gabi, Mayo 3.

Kinilala ni Malabon City Police chief Col. Joel Villanueva ang suspek na si Erwin Arcega, 39, ng Lascano Street, Barangay Tugatog, na namatay habang ginagamot sa Ospital ng Malabon dahil sa tama ng bala.

Bandang 10:40 ng gabi nang isagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust sa Concepcion Street, pero nang nakahalata raw ang suspek na pulis ang katransaksiyon niya ay pinaputukan daw niya mga ito.

Kaagad namang nakaganti ng putok ang back-up cops at tinamaan sa dibdib si Arcega.

Advertisement
Advertisement
Advertisement