Connect with us

Concept News Central

Maja, aminadong nawalan ng career dahil kay Gerald

Izel Abanilla

Published

on

Inamin ni Maja Salvador na nakasira sa kanyang career ang naging romantic relationship niya kay Gerald Anderson maraming taon na ang nakalipas.

Sa isang magazine interview, nagbalik-tanaw si Maja sa naging relasyon nila ni Gerald, na nagtapos noong 2015.

Tulad ng matinding pamba-bash na inaabot ngayon ni Julia Barretto matapos amining boyfriend na si Gerald—dahil si Julia ang itinuturong dahilan sa breakup ng aktor kay Bea Alonzo—katakut-takot na negatibong reaksiyon din noon ang inabot ni Maja nang ilantad nila ni Gerald ang kanilang relasyon.

Noong panahong iyon, si Maja raw ang third party sa pagtatapos ng special relationship at love team ni Gerald kay Kim Chiu.
Nagkataon namang best friends sina Maja at Kim.

“Dapat hindi namin pinilit,” pag-amin ni Maja tungkol sa kontrobersiyal din noong relasyon niya kay Gerald.

“Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ‘yung mahirap na sa umpisa, pero parang andiyan na, e!
“Pero alam mong nag-struggle kaming dalawa, individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ‘yung commercials niya. Ako talaga, as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement,” kuwento pa ni Maja.

Pero mas masakit pa raw sa mga kontrata at endorsements na nawala kay Maja ay ang nasirang friendship niya kay Kim.

Ilang taon makaraang mag-break sina Gerald at Maja, nagkaayos na at malapit na uling magkaibigan ngayon sina Kim at Maja.

Advertisement
Advertisement
Advertisement