Connect with us

Concept News Central

Magsasaka, tiklo sa panghahalay sa dalagitang anak

Published

on

Inaresto ng mga pulis ang isang magsasaka makaraang ireklamo sa ilang beses umanong panggagahasa sa anak niyang babae na 13-anyos sa Quezon, Nueva Vizcaya.

Ang suspek, na taga-Barangay Bonifacio, Quezon, at nasa most wanted persons list ng Police Region Office (PRO)-2, ay naaresto sa probinsiya ng Ifugao nitong Lunes, Mayo 3.

Ayon sa pulisya, kasama ng dalagita ang kanyang ina nang ireklamo sa pulisya ang kanilang padre de pamilya dahil sa panggagahasa umano sa kanya sa tatlong pagkakataon.

Batay sa pahayag ng dalagita, Abril 2020 nang simulan siya umanong gawan ng kahalayan ng ama, na ang huling pang-aabuso ay nangyari noong nakaraang buwan.

Ginagahasa raw ng suspek ang sariling anak tuwing nasa trabaho sa malayong bayan ang ina ng bata.

Pinagbabantaan pa umano ng suspek ang anak na papatayin ito kapag isinumbong ang krimen kahit kanino.

Sa manhunt operation na ikinasa ng pulisya, natunton sa Tinoc, Ifugao ang suspek at doon inaresto kahapon.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement