Connect with us

Concept News Central

Bumibiyaheng MRT trains, balik na sa 20

Published

on

Nasa 20 Metro Rail Transit (MRT)-3 trains na ang bumibiyahe ngayon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Nagbalik-trabaho na kasi ang mga empleyado ng MRT na gumaling na matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa kabuuan, 221 MRT employees na ang gumaling, bagamat mayroon pang 143 nagpapagaling sa ngayon.

Umabot naman sa 2,000 empleyado ng MRT ang sumailalim sa COVID-19 testing, ayon sa DOTr.

Ang mga personnel, maintenance provider, consultant, at maging ang mga security guard sa mga terminal ay kabilang sa mga nagpasuri sa COVID-19. (Artagnan Liszt Biason, intern)

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement