Connect with us

Concept News Central

Magtiyuhing obrero, tinodas ng hired killers

Published

on

Patay ang magtiyuhing construction worker matapos silang pagbabarilin ng mga hinihinalang hired killers sa Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan, nitong Biyernes ng umaga, Abril 30.

Kinilala ni Lt. Col. Cesar Lumiwes, hepe ng Mariveles Police, ang mga biktimang si Reynaldo Olibia y dela Pasig, at pamangkin nitong si Joan Olibia y Tupaz, 33, kapwa taga-Sitio Dapdap sa Alas-asin, Mariveles.

Ayon kay Col. Lumiwes, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang hindi nakilala at pinaniniwalaang hired killers, na kapwa may suot na helmet at jacket, nang pagbabarilin ang mga biktima.

Apela ng isang opisyal sa Brgy. Alas-asin sa mga awtoridad, silipin ang anggulong awayan sa lupa na posibleng ugat ng insidente.

Noong Disyembre 2020, binaril at napatay si Jonathan de la Cruz, pinuno ng Management Information Service, at hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ang krimen.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad papuntang trabaho ang mga suspek nang paulanan ng bala ng mga suspek, na tumakas patungong Roman Highway.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement