Connect with us

Concept News Central

Pia Wurtzbach, naniniwala sa bayanihan

Published

on

May opinyon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kaugnay sa mga pagtatayo ng mga community pantry sa iba’t ibang panig ng bansa sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Natanong kasi ang beauty queen kung ano ang tingin niya sa mga inisyatibong ginagawa ng mga mamamayan para sa community pantries at kasunod din ng nangyari sa kontrobersyal na birthday pantry na itinayo ni Angel Locsin sa Quezon City kung saan isang senior citizen nga ang nasawi.

Sabi ni Pia, muling pinatunayan ng mga Filipino na buhay na buhay pa rin talaga ang Bayanihan spirit sa bansa sa kabila ng sunud-sunod na pagsubok na kinakaharap ng bayan.

“Thanks for asking me this! I took some time to really think about it and really understand better what we are faced with as a nation,” sabi ni Pia sa kanyang Twitter post bilang sagot sa isa niyang Twitter follower.

“For me, the community pantry is a really good initiative. Yet again, it is proof of the undying spirit of Bayanihan,” dagdag niya.

Pero sinabi rin ng dalaga na naiintindihan din niya ang pangamba at takot ng ilan nating mga kababayan na baka ito pa ang maging mitsa ng muling pagdami ng COVID patients sa bansa.

Kaya nagpaalala siya sa lahat ng lalabas at kukuha ng food supply sa mga itinayong community pantry na mag-ingat at sundin pa rin ang lahat ng safety protocols para mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

“However, I also understand all the hesitations and concerns esp. with health protocols. It’s been a year since the pandemic hit and everyone is just trying their best to survive. I think it’s a call for us to help in any and every way that we can. Share what we can, stay home if we can,” sabi ni Pia.

“Get vaccinated soon as we get the opportunity. It’s a great reminder of what we can achieve together. We can and we should demand a better system,” dagdag pa niya.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement