Connect with us

Concept News Central

Most wanted sa QC, sa Caloocan nahuli

Published

on

Nadakip na sa wakas ang most wanted person ng Quezon City matapos siyang matunton sa isang subdibisyon sa Caloocan City nitong Lunes ng umaga, Abril 26.

Sa bisa ng arrest warrant, inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) si Regel Saga, 38 anyos.

Ayon sa pulisya, bandang 11:00 ng umaga nang maaresto si Saga sa Block 10, Lot 10, Libra Street sa Maria Luisa Subdivision, Caloocan.

Si Saga ang No. 1 Most Wanted Person ng Quezon City Police District (QCPD) para sa kasong robbery with homicide.

Ang arrest warrant laban kay Saga ay inisyu ni Judge Madonna C. Echiverri, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 81.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Saga.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement