Connect with us

Concept News Central

DESERVING BA SA BONGGANG OPISINA?

Published

on

Ngayong marami sa mahahalagang trabaho sa gobyerno at pribadong sektor ay virtual na, mistulang hindi na makaka-relate ang publiko sa mga naggagandahan at naglalawakang opisina sa kalagitnaan ng pandemya.

Kaya naman marami ang napa-react sa pahayag kamakailan ng ilang senador na malapit na silang lumipat sa enggrandeng P8-bilyon gusali sa Taguig City mula sa kasalukuyan nilang opisina na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS).

Aprubado ng maraming senador ang lipat-opisina, partikular na ni Sen. Panfilo Lacson na nag-sponsor ng paglilipat.

Ang world-class design ng gusaling may 11 palapag ay nakatirik sa Bonifacio Global City sa Taguig, sa lawak na 8.5 ektarya para sa 24 na kasapi ng Senado.

Sa kanyang depensa, sinabi ni Lacson na ang halaga ng bagong Senate building ay kalahati lang ng nababalita, o nasa P4.5 bilyon lamang.

Sa halagang iyon, makakabili na ng nine million doses ng COVID-19 vaccine para sa 4.5 milyong Pinoy.

Nakita ng mga senador ang pangangailangang magkaroon na sila ng sariling office building matapos na pumalo sa kabuuang P127 milyon ang taunang renta nila sa GSIS building.

Ang kabuuang halaga naman ng rental fees sa gusali at parking space, na pag-aari ng Social Security System, ay umabot na sa P2.25 bilyon, ayon kay Lacson.

Ibig sabihin, sa taunang budget ay naglalaan ng P6 bilyon mula sa pera ng taumbayan para sa institusyong kilala sa privilege speeches at mga televised na imbestigasyon.

Karapat-dapat nga ba ang ating mga senador sa bago at enggrande nilang office building na bilyun-bilyong piso ang halaga? Sapat nga ba ang mga tinatawag nilang “accomplishments” sa Mataas na Kapulungan para maging makatwiran ang paglipat nila sa isang bago at sariling opisina sa panahon ng pandemyang nagpauso ng virtual workplace?

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement