Connect with us

Concept News Central

Toxic, lagger, kanser… anong klaseng ML player ka?

TDT

Published

on

Mobile Legends logo

Kung marami na noon ang naglalaro ng Mobile Legends, o ML, mas kinahumalingan pa ito bilang epektibong libangan ngayong may pandemic

Ang ML ay isa lamang sa maraming online mobile games na kinaaadikan ng karamihan, mapababae man o lalaki, bata o matanda.

Sa kasagsagan ng pandemic, nagbigay ang ML ng pansamantalang aliw sa panahong kailangan ng marami sa atin ang kumawala sa bangis ng realidad.

Gayunman, bilang ML player ay may mga pagkakataong imbes na malibang, mayayamot ka sa mga makakasalamuha mo sa laro; may iba’t ibang ML players, na ang ilan, hindi nakakaengganyong kalaro.

Maaaring nakalaro mo na sila, pero malamang din na katulad ka rin nila—aminin mo man o hindi:

Kanser – Mga taong pinaghalong trash talker at bossy pero hindi naman magaling, pabuhat pa.

Trash talker – Silang puro basura ‘yung lumalabas sa bunganga.

Iyakin – ‘Yung mga hindi lang napili ang gustong hero at role ay iiyak na. Okay lang matalo basta makaganti sa mga kakamping basag-trip.

Toxic – Silang puro sisi sa kakampi; konting mali lang magagalit na, akala mo perfect.

Competitive – Mga taong G na G at ayaw magpatalo. Minsan tinitingnan pa ‘yung rank ng mga kaibigan tapos mag-aadik para magpa-rank up para maunang maging Mythic, sabay flex sa social media.

Talunan – Mga taong lose streak kahit classic at brawl na lang, sabay sasabihin: “Ano ba ‘to si Moontoon, bakit ganitong mga kakampi ang ibinibigay sa kin.”

Lagger – Silang ‘pag namatay sasabihin “log” tapos mayroon pa diyan sasabihan na naka-VPN ‘yung kalaban. Internet mo lang ‘yan, teh! May masisi lang, e.

Magsasaka – Mga taong full build na pero puro pa rin farm, ayaw pa mag-focus sa objectives. Nagpapayaman ka, ghorl? Tapos ‘pag natalo, sisi sa kakampi.

Pusher – Mga dakilang kakampi. Silang mahihilig mag-push para manalo, kasi ang motto nila: “Hindi ‘to paligsahan ng dami ng kills, ito ay paunahang magbasag ng tore.” Pero minsan dyahe, kasi minsan sila pa ‘yung feeder at dahilan ng pagkatalo sa laro.

Bida-bida – Silang puro utos ng gagawin, feeling leader.

Feeder – Mga laging namamatay at pinapalakas ‘yung mga kalaban. Ginagawa na silang pagkain pampataba.

Angela Main – Mga players na Angela lang ang alam gamitin, ‘pag na-ban iyak, tapos hindi na alam kung anong hero ang gagamitin.

Pabibo – Mga taong show nang show ng fake winrate na matataas at magagandang skin. Dyahe, sir, pampatagal at pampalito sa picking.

Puyatero – Okay lang walang tulog kaysa walang ML.

May sariling mundo – Mga taong fun lang ang habol at walang paki sa mga kakampi o sa winrate nito. No pressure, just fun!

Match made in landian – Silang mga duo na puro landian habang naglalaro. Walang paki kahit makipag-clash na ‘yung mga kakampi basta magkasama sila, ‘til losing do you part.

Mahalagang isaisip na laging maging marespeto sa kapwa ML players habang hindi sineseryoso ang mga sinasabi ng mga kalaban, o kahit kakampi, upang makaiwas sa stress.

Sa mga naaadik na sa ML, laging tandaan na ginawa ito upang maging isang libangan. Hindi dapat na sa paglalaro na lang umiikot ang buhay ng isang player.

Huwag nating ipagpalit ang oras para sa pamilya at mga mahal sa buhay para lang mag-ML.

Huwag ipagpaliban ang mga bagay na importante para lang sa ML.

Ang ML ay lagi lang nariyan, puwedeng balik-balikan. Pero ang oras at magagandang alaala kasama ang mga taong mahalaga sa atin ay hindi na kailan man mauulit pa. (Angelica Carrido, intern)

Advertisement
Advertisement
Advertisement