Connect with us

Concept News Central

Lola patay sa bundol ng motor

Avatar

Published

on

Nasawi ang isang lola matapos mabangga ng isang humaharurot na motorsiklo sa Caloocan City nitong Lunes ng hapon, Abril 19.

Ayon sa report ni Police Cpl. Froilan Dela Rosa ng Caloocan City Police, bandang 4:00 ng hapon nang mangyari ang aksidente sa Malaria Road malapit sa kanto ng Tabon Street sa Barangay 185.

Tumatawid si Guadalupe Agpalo, 69, ng Camia St., Brgy. 185, nang masalpok siya ng SkyGo SG 125 motorcycle na minamaniobra ni John Angelo Ranille, 20, binata, gasoline attendant, at residente ng siyudad.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon nang ilang metro si Agpalo at bumagsak sa kongkretong bangketa.

Nagtamo ng injuries sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang matanda, na naisugod pa sa East Avenue Medical Center sa Quezon City pero nasawi rin bandang 11:15 ng gabi.

Sasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Agpalo, habang arestado naman si Ranille, na nahaharap sa reckless imprudence resulting in homicide.

Advertisement
Advertisement
Advertisement