Connect with us

Concept News Central

Community pantry sa Pasig, sinugapa ng 6 na babae

TDT

Published

on

community pantry stand

Nasimot ang mga donasyong pagkain sa isang community pantry sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City matapos itong hakutin ng anim na babae nitong Lunes, Abril 19.

Sa video na nag-viral kahapon, Abril 19, sa Facebook, makikita na isa-isang nilapitan ng anim na babaeng may bitbit na malalaking eco bags ang community pantry stand.

Kalaunan, pinagkulumpunan ng anim ang pantry stand at nagkanya-kanyang hakot sila ng mga food items na naroroon.

Nang maghiwa-hiwalay ang anim at maglakad palayo, tanging ang mesa at ang payong na lang ang natira sa community pantry stand.

Kita rin sa video na mukhang masaya pa ang anim na babae sa kanilang mga nakuha.

Hindi naman naitago ng ilang netizens ang kanilang galit at sila nagpaulan ng mga negatibong komento sa Facebook post ng viral video.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng anim na babaeng nagsamantala sa community pantry ng Pasig.

Ang community pantry movement ay pinasimulan ni Ana Patricia Non sa Maginhawa Street sa Quezon City.

Pero ngayong Martes, Abril 20, inianunsiyo ni Non na pansamantalang itinigil ng kanyang volunteers ang operasyon ng orihinal na community pantry matapos itong iugnay umano ng mga awtoridad sa Communist Party of the Philippines (CPP). (Sherrylou Nemis, intern)

Advertisement
Advertisement
Advertisement