Connect with us

Concept News Central

4 sugatan sa gitgitang bus-ambulansiya

Avatar

Published

on

Apat na katao ang nasugatan matapos magkagitgitan ang isang pampasaherong bus at isang ambulansiya sa EDSA Busway sa Caloocan City, ngayong Lunes ng umaga, Abril 19.

Bandang 10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa tapat ng Biglang Awa Street sa EDSA sa Caloocan City.

Hindi pinangalanan ang mga nasugatan: ang pasyenteng lulan sa ambulansiya, isang kasama ng pasyente, at dalawang pasahero ng bus.

Nabangga ang kaliwang bahagi ng bus matapos na bigla umanong sumulpot sa gilid nito ang ambulansiya, sa bahagi ng U-turn slot.

Ayon sa incident report, aminado ang bus driver na nagulat ito nang mapansin ang ambulansiya kaya nawalan ng kontrol sa manibela.

Advertisement
Advertisement
Advertisement