Connect with us

eSports

Rank up ba hanap mo? Subukan ang Big 3 gameplay sa ML

TDT

Published

on

Nahihirapan ba kayong magpataas ng rank sa Mobile Legends? Subukan ang Big 3 strategy para mabilis na makaangat ng rank at makapag-ipon ng stars.

Ang Big 3 strategy ay 100 porsiyentong epektibo sa mga may ranggong Legend, Epic, Grandmaster, at pababa. Mas maganda kung kayo ay trio, o ibig sabihin ay tatlo na magkakakilalang magsasama-sama sa isang game.

Sa Big 3 strategy, sina Diggie, Estes, at Nana ang mga pangunahing gagamitin na hero. Si Diggie ang magsisilbing tank sa buong laro, si Estes naman ay maaaring mag-support or tank build, habang si Nana naman ang pure mage hero sa laro.

Maaari ninyong i-ban ang mga hero na sina Natalia, Selena, at Pharsa na puwedeng maging kontra laban sa strategy na ito. Sa battle spell naman ay inirerekomendang gumamit ng flameshot ang tatlong hero na ito.

Ang sistema ay pipili ang tatlo ng lane na pupuntahan nila, maaaring gold, experience, or middle lane. Ang pinaka-goal ng tatlong hero na ito ay mag-push o sumira ng mga tore ng kalaban.

Sa strategy na ito ay mahihirapan ang magiging katapat ng tatlo sa lane. Laging tandaan na sabay-sabay ire-release ang mga skills ng tatlo: ang time bomb (1st skill) ni Diggie, molina smooch (2nd skill) na mula kay Nana, at domain of moon god (2nd skill) kay Estes.

Sa unang dalawang minuto pa lang ng laban ay maaari ninyo nang masira ang outer layer na tore kahit pa may extra shield ito. Mabibigyan din ng daan na makapag-jungle nang malaya ang inyong core (Assassin) or taga-farm sa laro.

Sa ganitong paraan ay mapupunta sa inyong tatlo ang atensiyon ng iba pang kalaban, kaya bukod sa mga nasisirang tore at nakukuhang kills ay nakakapag-push din ang inyong offlaner, o fighter na kakampi.

Sa ganitong paraan ay mas makukuha ninyo ang victory na inaasam sa loob lang ng humigit-kumulang walong minuto.

Muli, ang Big 3 gameplay combo ay hindi na magiging epektibo sa mataas na rank, tulad ng Mythic at Mythical Glory. (Joven Ventura Parameo, intern)

Advertisement
Advertisement
Advertisement