Connect with us

Concept News Central

Obrero patay, 3 pa sugatan sa gumuhong lupa

Avatar

Published

on

KALIBO, Aklan – Patay ang isang construction worker habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang gumuho ang isang bahagi ng burol sa lugar kung saan sila gumagawa ng canal system sa Barangay Caticlan sa Malay, Aklan.

Kinilala ni Police Lt. Col. Don Dicksie De Dios, acting chief ng Malay Police, ang nasawi na si Modesto Appelido, tubong Bingawan, Iloilo, habang sugatan naman sina Darius Castillo, 48; Jade Daryl Castillo, 22; at Nino Jay Castillo, 22.

Ayon kay Lt. Col. De Dios, nasa gilid ng kalsada ang apat na biktima at gumagawa ng canal system nang maguhuan sila ng isang bahagi ng burol sa lugar.

“The side of the hill may have collapsed due to the recent series of rains,” ani Lt. Col. De Dios.

“I told the police investigator in charge to double-check if there were signs of foul play or possibly neglect of protocols in the construction,” dagdag niya.

Advertisement
Advertisement
Advertisement