Connect with us

Concept News Central

Jhong Hilario nagpaalam na sa Your Face Sound Familiar

TDT

Published

on

(IG/Your Face Sound Familiar)

Kapamilya Sample King Jhong Hilario nagpaalam na sa kanyang Your Face Sounds Familiar family matapos isilang ng kanyang nobya ang kanilang panganay.

Inanusyo mismo ni Jhong sa Your Face Sounds Familiar nitong Sabado ng makapanayam siya via videocall ni YFSF host Luis Manzano bago magsimula ang show.

“Matagal kong pinag-isipan ang desisyong ito, ngunit sa palagay ko, sa ngayon mas kailangan kong unahin ang aking anak, at aking mag-ina. Family first,” ani Jhong.

Labis ang pasasalamat ng actor sa mga sumuporta sa kanyang desisyon.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa ABS-CBN management at sa Your Face Sounds Familiar, sa pag-intindi nila sa aking desisyon.” dagdag pa niya.

Tumatak si Hilario sa paggaya niya kay Tina Turner, Bamboo, Apl.De.Ap, Vhong Navarro, Enrique Iglesias at Bob Marley. (Khryzztine Joy S. Baylon, PUP intern)

 

 

 

mje

Advertisement
Advertisement
Advertisement