Connect with us

Concept News Central

Inireklamo sa pang-uumbag ng GF, nahulihan ng droga

Avatar

Published

on

handcuff

SANTIAGO, Ilocos Sur – Tuluyang nakalaboso ang isang 39-anyos na lalaki na inireklamo sa pambubugbog sa kanyang nobya nang makumpiskahan pa siya ng ilegal na droga habang iniimbestigahan sa barangay hall sa Santiago, Ilocos Sur ngayong Linggo ng madaling araw, Abril 18.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Russele Dasalla y Dandin, ng Brgy. San Roque, Santiago, na napaulat na nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Madaling-araw ngayong Linggo nang dumulog sa mga opisyal ng Brgy. San Roque ang 22-anyos na nobya ni Dasalla dahil sa pananakit umano rito ng suspek.

Natunton ng mga opisyal ng barangay at pulis si Dasalla sa Brgy. Sabangan at dinala sa barangay hall para imbestigahan.

Nasa aktong kakapkapan ng isang pulis si Dasalla nang kusang isuko ng huli ang isang sachet na may P1,000 halaga ng shabu at dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, na nagkakahalaga ng P500.

Dahil dito, inaresto ng pulisya si Dasalla at ipiniit sa Santiago Police Station.

Advertisement
Advertisement
Advertisement