Connect with us

Concept News Central

Health workers, dismayado sa napurnadang dialogue kay Duterte

TDT

Published

on

President Rodrigo Duterte, healthcare workers

“Disappointing and unacceptable” para sa grupo ng mga healthcare workers na hindi nila magagawang personal na iparating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga hinaing ngayong lumalala ang health crisis sa bansa.

Biyernes, Abril 16, nang lumiham ang Alliance of Health Workers (AHW) sa Pangulo para magkaroon sila ng dialogue tungkol sa tumitinding mga problema ng health sector dulot ng pandemic.

Pero base sa press statement ng AHW sa kanilang official Facebook page nitong Sabado, Abril 17, hindi napagbigyan ng Presidente ang dialogue na hinihiling ng mga medical frontliners.

Sa nabanggit na statement, hindi napigilan ni Dr. Robert Mendoza, presidente ng AHW, na maglabas ng hinaing tungkol dito.

“We are extremely dismayed with the negative response to our letter by saying that, ‘the request is being referred to the DOH (Department of Health) and IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) for appropriate action.’

“We thought the President is willing to have a dialogue with us based on what Presidential Spokesperson Harry Roque’s pronouncement to the media last April 6, 2021. But why, we are being referred now to DOH and IATF?

“This action taken by the office of the president in our letter is completely disappointing and unacceptable to us health workers,” ani Mendoza.

“Nothing happened…”

Ayon kay Mendoza, ilang beses na nilang naiparating sa DOH ang mga kaawa-awang kalagayan ng mga healthcare workers ngayong mahigit isang taon na ang pandemya sa bansa.

“We already have exhausted all the avenues, we went back and forth to the DOH to have a dialogue with DOH Secretary Francisco Duque III regarding the deplorable conditions of health workers, including benefits and understaffing, but nothing happened.

“In fact, we were handed over to the management of respective hospitals wherein they have different justifications, but most of them did not provide health workers their intended benefits.

“Aside from the fact that he does not speak to us personally, the responses were not clear and concrete especially on the issues and concerns of the health workers protection, safety and well-being. So, we decided to set a dialogue with the President.”

Modern day heroes o modern day slaves?

Para naman kay AHW Public Relations Officer, Mr. Eleazar Sobinsky, parang hindi raw  “modern day heroes” ang turing sa kanila dahil hindi raw nila maramdaman ang suporta ng gobyerno sa kanilang hanay.

“President Duterte should have decided on this or else, the efforts of health workers to best improve the quality of services to patients and on improving their working condition, welfare and well-being will come to a naught,” ani Sobinsky.

“What’s the point of calling us modern day heroes, if we cannot feel the sincerity of support and protection for our safety to combat the virus? Or is the current government deliberately pushing us to become modern day slaves?”

Una nang inihayag ni Mendoza nitong Biyernes, sa panayam sa kanya ng DZBB, ang mga problemang kasalukuyang kinakaharap ng mga medical frontliners ngayong kasagsagan na naman ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Mendoza, bukod sa pagod dulot ng understaffing, marami na rin daw medical frontliners ang nagkakasakit dahil sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho.

Hiling din ng AHW na maibigay na sa mga healthcare workers ang mga benepisyong ipinangako sa kanila, tulad ng performance-based bonus. (Nicole Tiburcio, intern)

Advertisement
Advertisement
Advertisement