Connect with us

Concept News Central

GCQ sa Mayo, ‘di pa masasabi sa ngayon—Malacañang

Avatar

Published

on

Hindi pa nakikinita sa ngayon kung ililipat na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) sa susunod na buwan ng Mayo mula sa kasalukuyang modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito ang sinabi ng Malacañang ngayong Linggo, Abril 18, dahil hindi pa raw naa-assess ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang kasalukuyang datos ng mga dinadapuan ng COVID-19 sa bansa.

Sa panayam sa kanya sa DZBB, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na magpupulong ang IATF bago matapos ang Abril upang talakayin ang quarantine classification na irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

“It is too early to say if we can return to GCQ. You know our process of assessment in the IATF, it is usually being done last week of the month so that our basis will be the latest numbers in preparing our recommendation for the month of May,” ani Nograles.

Nasa MECQ ang National Capital Region (NCR), gayundin ang Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal simula nitong Abril 12 hanggang sa Abril 30, kasunod ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa biglang dami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“That being said, right now the government is trying to increase the bed capacities, especially for ICU (intensive care unit), which we aim to establish for both public and private hospitals,” ani Nograles.

Una nang sinabi ng OCTA Research Group na hindi nakatulong ang pagpapairal ng MECQ mula sa ECQ sa pagpapababa ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa tinaguriang NCR Plus.

Advertisement
Advertisement
Advertisement