Connect with us

Concept News Central

Bangkay ng Korean, nagpalutang-lutang sa Zambales island

Jonas Reyes

Published

on

SAN ANTONIO, Zambales – Wala nang buhay ang isang Korean nang natagpuang palutang-lutang malapit sa baybayin ng San Antonio, Zambales, habang pinaghahanap pa ang kanyang maybahay hanggang ngayong Linggo, Abril 18.

Ayon sa San Antonio Municipal Police, ang biktima ay kinilalang si Changman Lee, 53 anyos, at taga-Subic Bay Freeport Zone.

Ang palutang-lutang na bangkay ni Lee ay natagpuan ni Wilson Monteza, ang bangkerong nagdala sa Korean at sa misis nitong si Hyung Jung Han, 52, sa Capones Island para sa overnight staycation.

Biyernes, Abril 16, nang dalhin ni Monteza sa Capones Island ang mag-asawang Korean.

Sabado ng umaga, Abril 17, ay nakatakdang balikan ni Monteza ang mag-asawa pero bago pa man makarating sa isla ay namataan ni Monteza ang bangkay ni Lee malapit sa baybayin.

Hindi naman matagpuan ni Monteza si Han, kaya kaagad niyang ipinaalam sa San Antonio Police na nawawala ito.

Nasa kustodiya na ng Crime Laboratory Office ng Zambales Police Provincial Office ang bangkay ni Lee, habang isinasagawa pa ang search operation kay Han.

Advertisement
Advertisement
Advertisement