Connect with us

Concept News Central

Pia Wurtzbach, may pabaon kay Rabiya

Avatar

Published

on

Mga mars, handang-handa na talaga ang pambato natin sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo sa pagsabak sa kompetisyon na gaganapin sa United States.

At may baon rin siyang pampasuwerte na bigay ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na gagamitin niya sa kanyang pagrampa sa international beauty pageant na gaganapin sa Hollywood, Florida, USA sa May 16.

“I am actually preparing a little care package na puwede niyang dalhin sa Miss Universe. So it is just like little pageant essentials that you need when you are competing and also a few good luck charms,” sabi ni Pia.

Nangako rin si Pia na anumang oras ay maaari siyang tawagan ni Rabiya at kausapin kung meron itong kakailanganin.

“Ayoko ko lang siya guluhin masyado because I know how busy it is right now. But I do message her and she knows that she can always text me or call me whenever she needs anything,” sabi ng beauty queen.

Sa ngayon ay nasa Amerika na si Rabiya at handang-handa nang umeksena sa mga pre-pageant activities ng Miss Universe pageant pati na sa grand coronation night.

“Sa mga kababayan ko sa Pilipinas, nandito na ako ngayon sa Los Angeles. Pinapangako ko na gagawin ko lahat ng posibleng gawin para maiuwi ulit natin ang korona sa bayan,” saad ni Rabiya.

“Mahal ko kayo, at please po ipagdasal niyo ako at suportahan sa laban na ito,” dagdag niya.

“My body hasn’t adapted yet to a different time zone. I’m having a hard time coping up with my jetlag. However, yesterday I wasn’t able to update you guys. But I was pressing whole day. Ibigay niyo na sa akin. Tapos my first international flight, and it took us 13 hours to be here. So, pagod na talaga,” kuwento pa niya.

Good luck Rabiya! Char!

Advertisement
Advertisement
Advertisement