Connect with us

Concept News Central

Online lotto game walang basbas ng PCSO

Published

on

Sa kabila nang nararanasang krisis dulot ng pandemyang ito ay hindi pa rin tumitigil ang mga operator ng mga iligal na pasugalan sa kanilang iligal na gawain.

May nakarating ho satin na impormasyon na may isang uri ng pasugalan sa online kung saan ginagamit nila ang PCSO lotto game draw katulad ng 6/45, 6/55 at 6/55 para kumita ng easy money.

Sa ilalim ng iskemang ito, pipili lamang ng tatlong numero ang mga mananaya sa tingin nila lalabas sa anim na bola ng lotto draw at kung makuha ang tatlong numero kahit random pa lumabas panalo na agad.

May mga agent pa ang mga ito katulad ng online sabong na syang nanghihikayat sa mga mananaya sa pamamagitan lamang ng Facebook. Legit daw ito kaya hindi dapat mangamba dahil siguradong maibibigay daw sa mga mananaya ang kanilang napanalunan thru Gcash at BPI. Aba bank-to-bank na rin ang mga lokong ito!

Bukod sa iligal ito, maaring scam o nanloloko lang ang mga ito. Tandaan ho natin na marami ang gumagamit sa social media para makapanloko.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang PCSO ukol dito, sinabi naman ng communications department ng ahensya na hindi sa kanila ito at wala umano itong permiso sa ahensya para gawin ang naturang sugal sa social media. Inanunsyo na rin noon anya ng ahensya na ang pagbili ng ticket ay sa mga lotto outlets pa rin.

Aba, kung wala ngang kinalaman ang PCSO dito, dapat basagin na ang iligal na pasugalang ito katulad ng ibang numbers gambling game na hindi aprubado ng gobyerno. Kung hindi ito aaksyunan agad baka isipin ng mga bettors na may kinalaman ang PCSO dito. Bukod sa kawawa ang mga mananaya agrabyado rin ang gobyerno kung hindi naman nare-remit.

Dapat na itong ipatigil kung iligal nga ito at ipaaresto kung sino man ang operator na nasa likod nito. Marami sa ating mga kababayan ang umaasang manalo at masakit para sa kanila na ma-scam sila sa social media. Dapat maglabas ng public advisory ang PCSO kung wala talaga silang kinalaman dito at ipaaresto nila ang mga ito.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement