Connect with us

Concept News Central

Magsyota kalaboso sa P121K na shabu

Avatar

Published

on

Sa kulungan ang bagsak ng isang magkasintahan matapos na kumagat sa pain ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Lungsod ng Malabon Miyerkules ng gabi kung saan ay nasa higit P121,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa kanila.

Sa ulat ni PLt. Joseph Alcazar ng Malabon City Police Station Drug Enforcement Unit, alas -11:30 ng gabi nang magkasa ang nasabing himpilan ng operasyon sa kahabaan ng M.H. Del Pilar, Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Pakay ng nasabing operasyon ang magkasintahang sina Diolazo Abandian, Alyas Barok, 45-anyos, at Aileen Apostol, 42-anyos na pawang mga residente ng Bisig ng Kabataan, Sangandaan, Lungsod ng Caloocan.

Matapos na nagkapalitan na ng inorder na shabu at P500.00 na buy-bust money ay doon na dinamba ng operatiba ang mga-syota kung saan ay narecover sa kanila ang nasa 20 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may mahigit kumulang 17.83 gramo ang timbang at may street value na P121,244.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng detention cell ng nasabing himpilan ang dalawa na pawang mga nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Advertisement
Advertisement
Advertisement