Connect with us

Concept News Central

Magpabakuna kayo

TDT

Published

on

Hindi biro ang mahawahan ng coronavirus disease (COVID-19).

Isa itong sakit na wala tayong kaalam-alam sa mga iba pang epekto nito bukod sa kapag tinamaan ka nito, nakatapak na ang isang paa mo sa hukay.

Wala pa ring gamot na makapagpapagaling sa mga tinamaan ng nakamamatay na sakit na ito, kung kaya ang ilang nahawahan ay abot-langit ang kaba kung makakayanan ba nila na makalampas sa matinding pagsubok.

Sa mga nababalitaan natin, ibayong hirap ang nararanasan ng mga taong may COVID-19 – bukod sa paghabol sa hininga, nakakaranas rin ang iba ng pananakit ng katawan, lubos na pagkahilo at panginginig ng katawan.

Sa ngayon, bakuna pa lamang na dinivelop ng iba’t ibang bansa ang tanging panlaban natin sa bagong sakit na ito na hindi lamang nakapagpabagsak sa morale ng mga tao kundi nagpatumba rin sa mga ekonomiya ng ilang bansa sa buong mundo.

Pero may ilan pa rin ang takot na magpabakuna, dahil hindi pa umano alam kung ano ang magiging epekto nito sa katawan, lalo na sa mga hindi pa nahahawahan ng nakamamatay na sakit na ito.
Vaccine hesitancy, iyan ang terminong ginagamit natin ngayon dahil karamihan pa rin sa mga Pinoy ang ayaw magpabakuna.

Bunga na rin siguro ito sa takot na ibinigay sa madla nang pumutok ang kontrobersiya sa kasagsagan ng Dengvaxia vaccine na nakamatay umano sa mga nabakunahan nito.
Sa ganang amin, iba ang Dengvaxia, at iba rin ang bakuna laban sa COVID-19.

Kaya naman ang Philippine Heart Association (PHA), hinihikayat ang mga Pinoy – kasama na ang may mga altapresyon at iba pang sakit sa puso na magpabakuna kontra COVID-19 — sa gitna ng mga pangambang delikado para sa kanila ang magpaturok laban sa respiratory illness.

Sinabi ni PHA President Dr. Orly Bugarin, walang matibay na ebidensiyang may masamang epekto ang pagpapabakuna sa mga may high blood.

“So talagang ine-encourage po natin ang ating mga kababayan na magpabakuna kahit kayo po kayo ay may cardiovascular diseases. Dapat lang po tayo ay controlled o iniinom natin ang ating medications,” sabi ni Bugarin.
Pero pinapayuhan ng mga medical expert ang mga may altapresyon na maghanda ilang linggo bago magpabakuna dahil hindi tinuturukan ng COVID-19 vaccines ang isang pasyente kung may blood pressure itong higit sa 180/120 sa mismong araw ng vaccination.

May mga payo rin si Diaz para sa pangangasiwa ng blood pressure sa mismong araw ng vaccination.

“Iwasan uminom ng para sa sipon, mga cold remedies. Kasi ‘yung cold remedies, pwedeng magpataas ng blood pressure. Iwasang magkape during that morning na magpapabakuna kayo,” sabi ng doktor.
Kaya payo rin namin sa sambayanan: Magpabakuna kayo.

Advertisement
Advertisement
Advertisement