Connect with us

Concept News Central

Gabbi Garcia, nanghihingi ng advice

Avatar

Published

on

Excited na nagpasilip ng kanilang lock-in taping ang aktres na si Gabbi Garcia para sa “Love You Stranger” sa kanyang pinakahuling vlog dahil ito na raw ang treat niya sa kanyang mga tagasunod at tagahanga.

Nalalapit na rin kasi ang pagpapalabas ng bagong serye niya sa GTV kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.

At bago ang kanilang taping, humingi si Gabbi ng advice mula sa “All-Out Sundays” co-stars niya na sina Kyline Alcantara, Julie Anne San Jose at Barbie Forteza kung ano ba ang mga dapat dalhin sa set dahil naranasan na nga ng mga ito ang lock-in taping.

“It’s my first time to experience this kind of taping. It’s kind of new so I’m a bit nervous. I don’t know if I’m overpacking or I’ve underpacked. I asked Kyline, I asked Julie and Barbie what are the right things to bring,” sabi ni Gabbi.

Dagdag niya, sobrang kapareho daw niya ng fashion style niya sa kanyang character sa series.

“The whole look of my character for Love You Stranger is very close to my fashion style. More on flowy dresses, very feminine. Very white and pastels. I’m excited to dress up for my character,” sabi ng dalaga.

Isang production designer kasi ang role niya sa serye kaya naman daw “on-the-go’ shoes ang mga gagamitin niya para rito.

Samantala, isang kakaibang pagganap ang masasaksihan mula kina Cherie Gil at Gabbi sa nakakaantig na episode ng real-life drama anthology na “Magpakailanman.”

Kasama rin sa episode na ito sina Phytos Ramirez, Gilleth Sandico, Kenneth Paul Cruz, Lindsay De Vera, Sean Rose, Citadel Mariano at Mimi Juareza.

Tsuk!

Advertisement
Advertisement
Advertisement