Connect with us

Concept News Central

FATALITY RATE, TUMATAAS!

Avatar

Published

on

Inihayag ng OCTA Research Group nitong Miyerkules na bukod sa patuloy na pagtaas nang mga naitatalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ay unti-unti na ring tumataas ang fatality rate sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa health experts, ang case fatality rate sa NCR ay tumaas sa 5.36 porsiyento nitong nakaraang dalawang linggo – tatlong beses na mas mataas kaysa sa 1.82 porsiyento na naitala noong Marso 1, 2020 hanggang Marso 27, 2021.

Sa report ng OCTA, naitala nila ang pagtaas gamit ang mas maliit na sample size na 284 na pagkamatay dahil sa virus at maaaring magkaroon ng pagbabago dito kapag dumating na ang bagong data.

Dagdag pa nito, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang naitatalang pagtaas ng mga kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19.

Paliwanag ng grupo, ilan sa mga posibleng dahilan nang pagtaas ng mga pagkamatay dahil sa sakit ay ang pagka-overwhelm ng healthcare system ng bansa at ang pagpasok ng mga bagong variants ng COVID-19 na pinaniniwalaang mas mapanganib.

Sinabi rin ng OCTA na kung ikukumpara ang percentage rate bago at matapos ang Marso 28, 2021, ang pagtaas ng fatality rate mula 11.8 porsiyento tungo sa 28.6 porsiyento ay naitala sa mga taong edad 65 years old pataas.

Naitala rin ng grupo ang pagtaas mula 5.7 porsiyento tungo sa 16.4 porsiyento sa mga may edad 60 hanggang 64 years old, habang tumaas naman mula 2.7 porsiyento tungo sa 8.7 porsiyento ang naitalang pagkamatay sa may mga edad na 50 years old pataas.

Inirekomenda rin ng OCTA na dapat unahin ang mga senior citizens para sa hospital care.

“With a recent increase in case fatality rate to nearly 3 out of 10 COVID-19 cases, seniors should be given priority to healthcare access to be assured they receive timely interventions,” sabi ng OCTA.

Samantala, iginiit naman ni OCTA fellow Professor Ranjit Rye na dapat unahin ang pagbabakuna sa NCR at sa mga kalapit-lugar nito upang muling makabangon ang ekonomiya.

“If we believe that if the pandemic is a snake in the country, the head is in the NCR and the Calabarzon. So if you cut the head off—I’m sorry if you’re a snake-lover—we believe that will have an impact on the overall war against COVID. We’ll probably be able to open up at least the economy if we’re able to see the decline in these centers where majority of the cases are,” sabi ni Rye sa isang panayam.

“If we do this, we might not achieve herd immunity, but we will achieve a situation of decline in cases and a possibility, a very good basis for opening up the economy,” dagdag niya.

Advertisement
Advertisement
Advertisement