Connect with us

Concept News Central

35-anyos na nanay patay matapos mahulog sa isang gusali sa QC

Published

on

 Patay ang isang 35-anyos na nanay matapos mahulog sa isang  condominium sa Quezon City, Miyerkules ng umaga.

Base sa pahayag ng ka-live in ng biktima, iniwan niya si “Lina” kasama ang anak nilang batang lalaki ganap na alas-7 ng umaga.

 Sa imbestigasyon ng QCPD-CIDU, napansin ng isang security guard ng Zinnia Tower condominium ang isang babae na nakakapit sa rehas sa labas ng condominium unit.

 Agad umakyat ang security guard sa ika-22 palapag ng gusali nang makarinig siya ng malakas na sigaw mula sa ika-anim na palapag.

 Iniulat niya ang insidente at base sa imbestigasyon, nagtamo ang biktima ng pinsala sa kanyang ulo at bali sa kanyang binti, na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Dinala ang bangkay ng biktima sa punerarya habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement