Connect with us

Concept News Central

Kim Chiu’s biggest regret: Hindi nakapag-college

Avatar

Published

on

NAKA-111,000 likes na agad sa loob lang ng 19 hours ang vlog post ni Kim Chiu sa kanyang Youtube account ukol sa “Most Googled Questions” ng kanyang supporters ukol sa kanyang buhay at career.

Pumili ang aktres ng random questions at sinagot isa-isa. Walang pinalampas ang aktres sa mga napiling tanong at lahat ay bonggang sinagot.

Ilan sa nakatutuwang tanong ay kung totoong pangarap niyang maging Koreana, marunong ba siyang mag-drive, at regret sa buhay.

Sagot ni Kim ukol sa kagustuhang maging Korena. “Gusto ko talaga maging Korean. Para mapasama ako sa YG Entertainment. Pero masaya na ako kasi kung hindi ako naging Chinese, hindi ako magiging si Kim Chiu. Magiging si Kim Jisoo, Kim Jennie (member ng BLACKPINK), or Kim Chi ako.”

Sa pagda-drive naman, inamin nito na, “I can drive. Matic only. No manuals for me. Madalas ako mag-drive before, ‘yung long drive. ‘Yun ‘yung pang-stress relief ko. Pero sana walang magtanong ng ‘Can Kim Chiu park the car at the basement?’ Dahil I cannot park the car.

“Takot akong umatras kaya favorite ko ang mall na may valet, dahil ipa-parking nila ‘yung sasakyan for me,” giit ng aktres.

At ang regrets niya sa buhay ay ang hindi nakapag-college. “Isa iyan sa mga regrets ko in life, na hindi ako nakatungtong ng college. But I think everything happens for a reason.

“Dito (showbiz) ako dinala and masaya ako napag-college ko ‘yung tatlo sa mga kapatid ko, and nakapagtapos sila ng pag-aaral. So I think it’s rewarding na for me. I think ito talaga ‘yung tadhana.

“Pero nag-University of the Philippines Open University (UPOU) ako hanggang second year. Kinuha (kong course), business management. But hindi ako nagtagal kasi hindi ko kinaya.

“Ang daming assignments, ang daming projects, tapos nagte-teleserye pa ako, nag-a-ASAP. Though hindi ko naman sinisisi ‘yung mga projects na ‘yun because those are opportunities na hindi natin pwedeng palampasin.

“Pero ang pag-aaral I’m sure naman nandiyan lang ‘yan, and there’s always a way and time na makabalik tayo ng pag-aaral ang makakuha tayo ng college degree. Soon!” paliwanag pa ng dating PBB housemate.

Hindi rin nakaligtas ang tanong kay Kim kung totoo bang kasal na sila ni Xian Lim at kung magdyowa pa rin sila.

Wika ni Kim, “Yes, we are still together and very much happy. But we are not yet married. We are in a relationship. Wala pa naman kami roon. So, let’s see!”

Advertisement
Advertisement
Advertisement