Connect with us

Concept News Central

Oxygen tank hoarding?

TDT

Published

on

Nagkakaubusan na diumano ang mga oxygen tank na ibinebenta sa Bambang, Maynila kaalinsabay nang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Ilang mga tindahan sa Bambang ang nagsabi na unti-unti nang nauubos ang kanilang suplay na oxygen tank dahil sa dami ng mga bumibili nito lalo na ngayon na puno ang mga ospital at karamihan ay sa bahay na lamang naga-isolate.

Ang Bambang ay sikat na bilihan ng mga medical supplies at equipment.  Matatandaan na noong isang taon sa kasagsagan ng pagsipa ng pangangailangan ng alcohol at mask, ang Bambang din ang naging takbuhan ng publiko.

Sa report ng DZBB, isang supplier ng medical supplies ang nagasbi na nagkakaubusuan na sila ng oxygen tank noon pang Semana Santa.

Bukod dito, tumaas na rin umano ang presyo ng oxygen tank dahil sa mataas ang demand.

Nagbabala naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko kaugnay ng paggamit ng mga oxygen tank sa kani-kanilang bahay.

Posibleng iniisip diumano ng publiko na simple lang ang paggamit ng tangke.  Anya, maaring mas makasama kaysa makabuti ang paggamit ng oxygen tank kung hindi alam ang tamang paggamit nito.

Advertisement
Advertisement
Advertisement