Connect with us

Concept News Central

Namumulitika nga ba itong si DILG Usec Densing?

Alvin Murcia

Published

on

Tila ayaw tanggapin ni Department of the Interior and Local Goverment (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III ang dahilan ng limang alkalde sa iba’t ibang lugar nang magpabakuna ang mga ito kahit hindi pa tapos ang mga healthcare workers na front liners sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Agad na nagpadala ng show cause order itong si Densing sa mga alkalde kung saan pinuntirya din ang actor na si Mark Anthony Fernandez dahil nakapagpabakuna ito kahit wala sa priority list.

Ang siste, si Mayor Edwin Olivarez ay puwedeng masita dahil sa command responsibility, ngunit sagot naman ng alkalde sumunod sa tamang protocol ang City Health Office patungkol kay Fernandez.

Kasong administratibo ang sinasbai ni Densing kay Olivarez at ito ay ipinatawag para pagpaliwangin sa pagpayag umano nito na mabakunahan ang actor at dalawa pang residente ng lungsod kahit wala ito sa priority list.

Ngunit diretsahan namang sinagot ng Paranaque City Health Office na wala silang nilabag nang bakunahan nila si Fernandez. Lalong lalo na daw si Mayor Olivares na di naman nagpabakuna.

Ayon kay Dra. Olga Virtucio, City Health Officer, natapos nilang bakunahan ang lahat ng kanilang healthcare workers, na kasama sa priority list, ay sinimulan ang mga kasunod sa listahan na mga senior citizen, mayroong comorbidity at mga persons with disabilties (PWD).

Ani Dra. Virtucio, kabilang ang aktor sa mga mayroong comorbidity dahil dumaan ito sa mga pagsusuri bago naaprubahan at maisama sa mga nasa quick substitution list (QSL) na iniatas din ng DoH. Nabakunahan daw ang aktor dahil na rin mayroong hindi nakapasa sa kanilang final list at handa silang humarap sa DILG kung kinakailangan.

Pero wala po bang bahid pulitika ito Usec Densing kasi sa pagkakaalam ko ay naglaban kayong dalawa ni Olivarez sa pagka-congressman ng Parañaque City noong 2010 elections kung saan tinalo ka ni mayor?

Huwag naman sanang ganyan po kasi ang kailangan natin talaga ay maliwanagan kung meron ngang dapat panagutan o wala ang sinuman na sangkot sa pababakuna sa actor at huwag haluan ng pulitika dahil nasa pandemya tayo.

Kung meron tayong planong pampulitika, mapalokal o nasyunal katulad ng pagtakbo bilang senador. Si Densing po ay Usec for operations pero ang sabi ng ilang observer bakit kailangan niyang manghimasok sa trabaho ng Usec for local government na kung totoo man ay isang encroachment sa trabaho.

Hindi po natin kinakampihan ang mga alkaldeng binigyan ng show cause order pero ang kanilang sagot katulad ni Mayor Noel Rosal ng Legazpi City sa Bicol na ang kanyang pangalan ay kasali pagkatapos ng listahan ng kanilang mga healthcare workers at kinumpirma pa ito ng DoH Director na nandun sa kanilang lugar, kaya siya ay nagpabakuna matapos ang mga healthcare workers.

So ano nga naman ang sama nun? Eh nagbunga pa nga daw ito ng 89 porsiyento ng kanilang mga residente ang biglang nagsipayag na mabakunahan nang malaman ng mga ito na siya ay nagpabakuna na.

Ganun din si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at iba pang mayor sa kabisayaan na pinapanagot ni Densing, lahat sila iisa ang dahilan. Hindi para sila ay mauna kaysa sa kanilang mga healthcare workers o mga nasasakupan, kundi maipakita sa mga tao na makakabuti ang pagpapabakuna dahil proteksiyon ito lalung lalo na ng mga may edad na, gaya rin nila.

So Usec. Densing, ayusin natin ang lahat kasi pare-pareho tayong Pilipino na lumalaban sa pandemya kung anuman ang ating pansariling plano ay gamitin natin sa mas maayos na pamamaraan. Hane po.

Advertisement
Advertisement
Advertisement