Connect with us

Concept News Central

2 tulak arestado sa Caloocan

Avatar

Published

on

Sa kulungan ang bagsak ng umano’y dalawang tulak  matapos na hindi sila siputin ng kanila sanang ka-meet-up sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Base sa ulat nina PCpl. Marcin Resumadero at PCpl. Carl Jay Loto, ng Caloocan City Police Sub-Station 5, ganap na alas-2:30 ng madaling araw nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa dalawang lalaki na pagala-gala bagamat oras na ng curfew at kapwa walang suot na mask sa kahabaan ng Barangay st., Brgy. 155 ng nasabi lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Estrada Tiu, 30 at George Laurenaria Ng, 50, pawang mga residente rin ng nasabing lungsod.

Mabilis namang nagtungo sa nasabing lugar ang pulisya at nang makita nga ang dalawang mga suspek na tugma sa deskripsyon ng caller ay agad sana nilang lalapitan ngunit bigla na lamang na nagtakbuhan ang mga ito.

Matapos ang maikling pakikipaghabulan sa mga otoridad ay tuluyan na ring na-corner ang dalawa at nang kapkapan na ang mga ito ay doon na nakuha sa kanila ang nasa 0.38 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,584.00.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya na ng SS5 detention cell ang dalawa na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement