Connect with us

Concept News Central

Leni pabor sa extended ECQ; pero P1K ayuda hindi sapat

Published

on

Pabor si Vice President Leni Robredo sa naging hakbang ng pamahalaan na palawigin pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine sa National Capital Region at apat pang lalawigan.

Gayunman, hindi anya sapat ang P1,000 tulong na ibibigay ng gobyerno sa mga mamamayan na nasa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Sa kanyang regular na programa tuwing Linggo sa radio station na dzXL, sadyang napakaliit ang P1,000 ayuda na ibibibgay ng pamahalaan.  Katumbas lamang anya ito ng isa o dalawang araw ng trabaho.

“May ibibigay na ayuda pero sa tingin natin napakaliit kasi iyong ayudang ibibigay ay 1000 na in-kind. Iyong 1,000 parang equivalent siya sa ilang araw ng trabaho lang. So, ito ang problema natin sa extension ng ECQ,”  paliwanag ng bise presidente.

Nitong Sabado, inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 Response na i-extend ang ECQ hanggang Abril 11.  Ito ay sa gitna nang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naniniwala si Robredo na tama ang ginawa ng pamahalaan para palawigin pa ang ECQ na siyang pipigil sa mga tao na lumabas ng kanilang bahay, na sa kinalaunan ay makakatulong para mapababa ang bilang ng mga kaso.

Pero anya ang dapat ding tutukan ngayon ng gobyerno ay kung paano matutulungan ang mga pamilya na apektado ng lockdown dahil marami ang hindi makakapagtrabaho, lalo na sila na sakop ng “no work, no pay” policy.

“Kasi pwede sa iba wala naman yun one week, wala naman iyong two weeks pero meron tayong mga kababayan na kung hindi magtatrabaho ng isang araw, wala ding sweldo. So, sa akin, dapat kapag everytime mag-e-ECQ tayo yun tutukan natin papaano iyong mga walang isusuweldo, paano kung wala namang savings,” dagdag pa ni Robredo.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement