Connect with us

Concept News Central

Dapat bang palawigin?

Published

on

Nitong nakaraang Biyernes ay naitala ng Department of Health (DoH) ang pinakamataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na umabot na sa nakakalulang 15,310 na nahawahan ng nakamamatay na sakit.

Ito ay sa kabila nang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Bulacan, Laguna Cavite at Rizal – na tinaguriang NCR Plus bubble — noong isang linggo.

Nitong Sabado naman, pumalo sa 12,576 ang bilang nang nahawahan ng COVID-19.

Kaya naman nitong Sabado rin, inirekomenda ng OCTA Research team na palawigin pa nang isang linggo ang ECQ sa NCR Plus dahil nakababahala na umano ang pagtaas ng bilang ng mayroong COVID-19 sa bansa.

“This one week ECQ is certainly not enough. We are definitely not yet out of the woods, and we need an additional week and maybe more,” saad ni OCTA Research fellow Ranjit Rye.

“Our position has been clear before and it continues to be clear today, that based on the data we have, we’re not yet out of the woods. We need an additional one week of ECQ at the very least and make a serious assessment after that,” dagdag niya.

“It is extremely catastrophic for us to open up prematurely with hospitals at critical levels right now,” sabi ni Rye. “The conviction of OCTA has always been that if we are able to manage and mitigate transmissions, that is the only time we can truly jumpstart the economy. If we cannot deal with the surge, we cannot open the economy up.”

Si Dr. Guido David naman, sinabing ang kanilang projection para sa virus reproduction number ay nasa 1.5 ngayong araw at maaaring bumaba ito sa 1.2 hanggang 1 kung palalawigin pa ng ECQ nang isang linggo.

Babala ni David, kung aalisin na ang ECQ ngayong araw ay maaaring pumalo sa 12,000 hanggang 13,000 kada araw ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon pa sa kanya, kinokonsidera rin ang mga bagong COVID-19 variants sa mga naging dahilan nang pagsirit ng kaso ng nakamamatay na sakit dahil umabot na sa 2.25 hanggang 2.5 ang reproduction rate ng virus lalo na sa Pasay City.

Paliwanag pa niya, mas nakahahawa umano ang South Africa variant kaysa sa UK variant.

Sa mga datos na nakikita natin sa ngayon, isang malaking tanong ang iniiwan nito sa isipan ng mga kababayan natin.
Dapat nga bang palawigin ang ECQ?

Sa tingin kasi namin, parang wala ring nangyayari kahit pa may ECQ, dahil marami pa rin sa ating mga kababayan ang makukulit at hindi sumusunod sa mga inilatag na health at safety protocols ng pamahalaan.

Marami pa rin ang nahuhuling lumalabag sa curfew, marami pa rin ang lumalabas ng bahay nang walang mask at face shields at marami pa ring mga pasaway na iniisip na hindi totoo ang virus.

Kung palalawigin pa ang ECQ, malamang mamatay na talaga ang ekonomiya ng bansa.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement