Connect with us

Concept News Central

P1K ayuda pwedeng ‘in-kind’, pwedeng ‘in-cash’

TDT

Published

on

Nilinaw ngayong Martes ni Budget Secretary Wendell Avisado na maaaring in cash or in kind ang tanggapin ng 22.9 milyong benepisyaryo ng ayuda na ibibigay ng pamahalaan ngayon sa mga naninirahan sa NCR plus bunsod ng epekto ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Avisado sa isang panayam sa radyo, posibleng pera ang ibigay na ayuda sa mga benepisyaryo na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang address to the nation Lunes ng gabi.

Ito anya ay base sa kung anong magiging desisyon ng local goverment units.

“Depende po iyan sa LGU kung anong klaseng ayuda ang ibibigay nila, kung ito ba ay cash or in kind,” pahayag ni Avisado.

Dagdag pa ng opisyal ito ay base sa direktibang kanyang natanggap mula sa Executive Secretary.

Sinabi rin ni Avisado na hindi na kailangan ng mga residente ng isang LGU na magtungo sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan para kunin ang kanilang ayuda dahil mismo ang pamahalaan ang magtutungo sa kanila.

“Ang ayuda na po ang magtutungo sa kanila, hindi na nila kailangan puntahan pa sa LGU,” dagdag pa ng opisyal.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement