Connect with us

Concept News Central

DoTr nakapagtayo na ng 13 radar para sa air traffic ng Phl

Published

on

Sinabi ng Department of Transportation (DoTr) na nakapagtayo na ng 13 radar at isang satellite radar sa buong Pilipinas na siyang nangangasiwa sa air trafic ng bansa.

Idinagdag ng DoTr na ito’y mula sa dating tatlong radar lamang, na kayang makapagserbisyo sa 30 porsiyento air space ng bansa.

“Ngayon, sa pamamagitan ng Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system, ang Pilipinas ay mayroon ng 13 radar at isang satellite radar na nakakasakop sa 100% ng Philippine air space,” sabi ng DoTr.

Ang enhanced CNS/ATM program ay pinasinayaan noong Enero 2018, sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ito ay siya na ngayong ginagamit ng Civil Aviations Authority of the Philippines (CAAP) upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasaherong bumabyahe sa himpapawid.

Nakatutulong rin ang CNS/ATM upang maiwasan ang mga flight delays at magamit ng husto ang kapasidad ng mga paliparan sa buong bansa.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement