Connect with us

Concept News Central

1M shabu nakumpiska sa Cabanatuan City

Published

on

Nakumpiska ng Cabanatuan City Poliang P1 milyong halaga ng shabu matapos ang isinagawang operasyon sa  Barangay H. Concepcion, Cabanatuan City, Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) Director Police Col. Jaime Santos, na naaresto rin ng pulisya ang mga suspek na sina Christopher Dela Cruz, 33 at Gendel Alamon, 44.

Nakumpiska ng pulisya ang 33 sachet ng shabi na tumitimbang ng 150.35 gramo at nagkakahalaga ng P1,022,380.

Bukod sa ilegal na droga, kabilang sa mga narekober ng mga otoridad ang marked money na ginagamit sa operasyon, isang digital weighing scale, at isang homemade caliber .35 pistola at anim na bala.

Kakasuhan ang dalawang tulak ng paglabag sa sections 5 at 11 ng Article II, ng Republic Act (RA) 9165 at RA 10591.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement