Connect with us

Concept News Central

Mt. Pinatubo nagparamdam, alert level itinaas

TDT

Published

on

Binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology ang Mount Pinatubo sa Zambales matapos itong magparamdam.

Itinaas ng Phivolcs ang alert status nito sa Alert Level 1 mula sa dating 0 dahil sa pagpapakita nito ng aktibidad sa mga nakalaipas na mga araw.

Ilang pagyanig ang naitala mula noong Enero 20 hanggang Pebreo 26, ayon sa ahensiya.

Dagdag nito umabot sa 1,722 na mga imperceptible earthquake ang kanilang namonitor sa mga nagdaang araw.

Ang Mount Pinatubo ay isang aktibong stratovolcano na matatagpuan sa Zambales mountains na nasasakupan ang mga lalawigan ng Zambales, Tarlac at Pampanga sa Central Luzon.  Huli itong pumutok noong 1991 na ikinasawi ng marami at sumira ng maraming kabuhayan.

Advertisement
Advertisement
Advertisement