Connect with us

Concept News Central

Wanted sa child abuse, kidnapping naaresto sa Makati

Avatar

Published

on

Hindi na rin naman nanlaban pa ang suspek at sumama nang mapayapa sa mga pulis.

Isang lalaki na wanted sa kasong paglabag sa child abuse law at sa kasong kidnap for ransom ang naaresto sa Lungsod ng Makati Lunes ng umaga.

Sa ulat bg Southern Police District ay alas-10 pasado ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang Makati City Police Warrant Section sa isang covered court sa Vito Crus Ext., Brgy. Lapaz.

Target ng operasyon na maaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Byron G. San Pedro ng Regional Trial Court, Branch 69 sa Lungsod ng Taguig si Hernando Llaguno alyas Jeboy, binata, walang hanap buhay at residente ng Capistrano St., Hagonoy, Lungsod ng Taguig.

Hindi na rin naman nanlaban pa ang suspek at sumama nang mapayapa sa mga pulis.

Mga kaso ng paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law in relation to Presidential Decree 603 Criminal Case No. 2679 and 2680 at Kidnapping for Ransom, Criminal Case No. 2677 and 2678, ang kinakaharap at pagbabayaran ngayon ng suspek.

p: wjg

Advertisement
Advertisement
Advertisement