Connect with us

Concept News Central

Babaeng NPA patay sa sagupaan sa MisOr

Avatar

Published

on

Patay ang isang babaeng miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos makasagupa ng mga rebeldeng grupo ang pwersa ng gobyerno sa liblib na barangay Matangale, Balingoan, Misamis Oriental, Lunes ng hapon.

Sa ulat ng militar, natiyempuhan ng mga tropa mula sa 58 Infantry battalion ang tinatayang 30 mga armadong rebelde papunta karagatan, na siyang kilalang daanan ng mga NPA.

Nagpalitan ng putok ang mga sundalo at rebelde bago tuluyang tumakas ang mga NPA patungong kagubatan.

Narekober ng tropa ng gobyerno ang bangkay ng babaeng NPA na inabandona ng kanyang mga kasamahan,

Nakumpiska mula pinangyarihan ng insidente ang dalawang M-16 assault rifle magazine ng AK 47, dalawang cellphone at 18 backpack na pag-aari ng mga rebelde.

Lumikas naman ang 140 pamilya sa kani-kanilang bahay para hindi maipit sa labanan.

Nagpasalamat naman Balingoan Mayor Aaron Unabia sa puwersa ng gobyerno matapos ang agad na pagresponde laban sa mga rebelde sa lugar.

“We are very grateful for the swift response by the men in uniform in securing the area,” ayon kay Unabia.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement